WebClick Tracer

Clarita Carlos pabor na italaga si ex-PRRD bilang PH envoy sa China

Pabor si dating National Security Adviser Clarita Carlos na italaga si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang special envoy ng Pilipinas sa People’s Republic of China.

Ipinahayag ni Carlos ang kaniyang pagpabor sa isang post sa Facebook.

“PRRD as Special Envoy to PROC, plenipotentiary, is one of the best things that can happen…,” sabi ni Carlos.

Ang komento ni Carlos ay umani ng mga reaksyon at komento mula sa ibang Facebook users.

Mayroong mga komento na pabor sa sinabi ni Carlos at mayroon din namang mga tutol dito. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Clarita Carlos sentimental sa pamamaalam sa UP Faculty Center

TELETABLOID

Follow Abante News on