WebClick Tracer

Bato napamura sa Senate hearing

Naging emosyonal si Senador Ronald “Bato” dela Rosa at napamura sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay ng pag-ambush kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Almeda.

Ito’y matapos mapanood sa pagdinig ang video ang pag-ambush kay Almeda ng mga armadong kalalakihan sa Bagabag, Nueva Viscaya noong Pebrero 19 na ikinasawi ni Almeda at limang iba pa.

“You can just imagine the grief of the widows, nakita nila yung video na yan, na imagine nila yung husbands nila nasa loob ng sasakyan, walang magawa at niraratrat ng mga P.I. ng mga gunman na yan, ang galing nilang pumatay,” emosyonal na pahayag ni Dela Rosa, chairman ng komite.

“Ang galing nila pumatay ng walang kalaban-laban, dapat makahanap sila ng katapat,” dagdag pa niya.

Subalit agad namang hiniling ni Dela Rosa na tanggalin sa record ng pagdinig ang kanyang pagmumura.

“Com sec strike off the records yung aking pagmumura, papagalitan na naman tayo ni SP (Senate President Juan Miguel) Zubiri,” ani Dela Rosa.

“Napamura ako sa sama ng loob. Mura yun para sa mga criminal at kasama na mga pulis na napabayaan at nakapag-checkpoint mga criminal. Di ko matanggap, national highway nag-checkpoint, pinatay 6 na katao, nakakakulo ng dugo,” dagdag niya.

Ayon pa kay Dela Rosa, dating Philippine National Police (PNP) chief, hindi sana mangyayari ang ganoonr uri ng krimen kung ginawa lang ng kapulisan ang kanilang trbaho.

“You cannot blame the NBI, you cannot blame the AFP, you cannot blame the coast guard, you cannot blame the mayor, you cannot blame the anybody but you can blame the PNP na may hawak sa lugar,” ani Dela Rosa.

“Responsibility nyo ‘yan maintain peace and order sa lugar na yan, public order, trabaho nyo yan,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Bato: Mga pulis Navotas sampahan ng kasong kriminal, administratibo

TELETABLOID

Follow Abante News on