WebClick Tracer

76ers ayaw ipamigay si James Harden

Tinapos na ng Philadelphia 76ers ang pakikipagusap sa ibang koponan at balak ibalik si James Harden sa training camp para sa paparating na season.

“The 76ers have ended trade talks on guard James Harden and plan to bring him back to training camp for start of the season.” ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Naniniwala umano ang nasabing koponan na kaya nilang lumaban sa kampeonato kung ibabalik si Harden, kasama ang big man na si Joel Embiid.

“Philadelphia believes it will be a championship contender with Harden’s return alongside MVP center Joel Embiid and the team is determined to find a way to make it work with Harden this season,”

Matatandaang noong Hunyo ay sinabi na ni coach Nick Nurse na nais niyang bumalik si Harden sa 76ers. Si Nurse ang bagong head coach ng koponan.

May average si Harden noong nakaraang season na 21.0 puntos, 6.1 rebounds at league-leading na 10.7 assists. (CS)

See Related Story Here:

James Harden sinalubong ng sandamakmak na fans sa China

TELETABLOID

Follow Abante News on