WebClick Tracer

126 volcanic earthquakes, 179 rockfall events naitala sa Mayon Volcano

Nakapagtala ang Mayon Volcano ng 126 volcanic earthquakes at 179 rockfall events sa nakalipas na 24 oras, ito ay ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Bukod sa nasabing bilang ng volcanic earthquakes at rockfall events, patuloy pa rin ang mabagal na pagdaloy ng lava sa Mayon Volcano.

Sa kasalukuyan, nasa ilalim pa rin ito ng Alert Level 3.

Dahil sa aktibidad ng Mayon Volcano, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinatayang nasa 38,000 na indibidwal o 9,000 na pamilya sa 26 na barangays sa Bicol Region ang apektado.

(CS)

See Related Story Here:

Mayon Volcano nakapagtala ng 248 low-frequency volcanic earthquakes

TELETABLOID

Follow Abante News on