WebClick Tracer

Ylona Garcia proud sa pag-awit ng ‘Lupang Hinirang’ sa MLB!

Hindi halatang ninerbyos si Ylona Garcia sa pagkanta niya ng ‘Lupang Hinirang’ sa laro ng LA Dodgers sa Major League Baseball (MLB).

Sa Instagram post ni Ylona, binahagi niya ang ilang kaganapan sa Filipino Heritage Night ng Dodgers na nilabanan ang Oakland Athletics.

“Nagkaroon ako ng pagkakataong kantahin ang Lupang Hinirang (Philippine National Anthem) sa palaro ng Dodgers!!” sey ni Ylona.

“Medyo kabado ako nung una na kantahin ito, dahil hindi ito ang sarili kong kanta. pero kahit na ganunpaman, ito ang kanta na nagrerepresenta sa aking sarili at sa aking bansa,” lahad pa ng dating housemate sa ‘Pinoy Big Brother’.

Lahad ni Ylona, siniguro niyang tama ang tono at galing sa puso ang pag-awit niya ng national anthem ng ‘Pinas.

“Sana’y napasaya at napahanga ko kayo, mga kababayan. sana ay proud kayo, Pilipinas!!” wika pa ni Ylona. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on