WebClick Tracer

Rambo Nuñez sinakripisyo walwalan para kay Maja Salvador

Deserving na tawagin ni Maja Salvador na “almost perfect” ang kanyang mister na si Rambo Nuñez.

Imbes kasi magalit sa kanya si Rambo dahil sa pagiging overthinker niya, ang asawa pa niya mismo ang nag-adjust para hindi niya maramdaman ang anumang pagdududa.

Mamatay-matay raw kasi si Maja sa pag-iisip kapag nasa bar na mina-manage si Rambo.

“So 3 a.m., nagising ako, tapos walang message from him. Nag-palpitate ako eh. Kasi kaka-jowa reveal lang namin sa Instagram,” kuwento ng aktres sa exclusive interview ng Mega Magazine.

“I told him. Ang ginawa niya, pinuntahan niya ako. Ang sabi ko, ‘Nasaan ka? Kasi kinakabahan ako.’ I mean, I trust him, but ang temptation diyan bigla sa’yo. Wala ka magagawa din eh. OA ako mag-isip. Ine-end ko na relationship namin. Sabi ko, ‘Parang hindi ko kaya na parati kang andiyan sa bar mo, mamamatay ako kakaisip’,” dagdag pa niya.

“After noon, nag-adjust siya. Hindi na siya nagpupunta ng bars unless kasama ako. Sabi niya, ‘Hindi na ‘yon ulit mangyayari, na ma-feel mo ulit ‘yun’,” saad pa ni Maja. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on