WebClick Tracer

Poy Erram nagretiro na sa Gilas: ‘Nangarap lang ako dati’

Inanunsyo na ni Poy Erram na magreretiro na siya sa Gilas Pilipinas.

Ito’y bago pa sumapit ang 2023 FIBA World Cup, kung saan kasama siya sa pool ngunit hindi nakakaensayo dahil sa knee injury.

Sa Instagram post ni Erram, nagpasalamat siya sa lahat ng taon nagtiwala sa kanya para irepresenta ang Pilipinas sa international stage.

“Thank you for giving me a chance to fight for my country. Thank you for letting my dreams become a reality,” wika ng TNT Tropang Giga center.

Aniya, alam niyang maraming manlalaro na deserve makapaglaro sa Gilas, ngunit alam din niyang binigay niya rin ang lahat para makapagsuot ng jersey ng Pilipinas.

“I deserved this for the people that believe in me. I deserved this for the people that hated me. I deserved this for my family and most of all I deserved this for me,” saad ni Erram.

Lahad pa ni Erram, hindi siya kailanman tumanggi para maglaro sa Gilas at kahit practice player lang ay okay lang sa kanya.

“Nangarap lang ako dati na magkaron ng kahit na practice jersey lang ng GILAS. But now I am part of GILAS history and all worth it,” saad pa ng 34-anyos na basketbolista. (RP)

See related stories:

Poy Erram naglabas saloobin: Player ng Magnolia NANDUDURA SA MUKHA!

Poy Erram nasaktan sa trade sa TNT

Kiefer Ravena kay Poy Erram: Ayaw kita kakampi

TELETABLOID

Follow Abante News on