WebClick Tracer

Patama kay Tom? Carla Abellana bumanat tungkol sa pagpapatawad sa taong ‘hindi tunay na nagsisi’

Inamin ni Carla Abellana na hardest lesson sa buhay ang pagpapatawad sa isang taong “hindi tunay na nagsisi”.

Viral ang maiksing video ni Carla, kung saan sinabi niyang, “One of the hardest lessons in life is to forgive someone who was never truly sorry.”

Pitong taon naging magkarelasyon sina Tom at Carla bago nagpakasal.

Ikinasal sila noong October 2021 ngunit makalipas lamang ng ilang buwan ay naghiwalay sila.

Sa interview ni Ogie Diaz kay Tom last year ay inamin niyang mahal pa niya si Carla. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on