WebClick Tracer

Papel ng PRA sa reclamation projects pinatatalupan ni Ejercito sa Blue Ribbon

Kailangang magsagawa ang Senate Blue Ribbon Committee ng sarili nilang imbestigasyon hinggil sa kuwestiyonableng reclamation projects sa Manila Bay, partikular ang papel ng Philippine Reclamation Authority (PRA) sa naturang mga proyekto, ayon kay Senador Joseph Victor “JV” Ejercito.

Sabi ni Ejercito, ang PRA, isang government-owned and controlled corporation (GOCC), ay binigyan ang local government units (LGUs) na kapangyarihan sa negosyante at pag-apruba ng mga reclamation project.

“Probably the BRC can look into this. Kasi talagang ako, duda ako sa proseso na ito, iit was really rushed. Talagang minadali po ito. Toward the ends of the Duterte administration,” pahayag ni Ejercito sa panayam sa DZBB.

“Si Pangulong Duterte and I heard him speak hindi siya pabor sa mga reclamation projects na yan. So sinuman ang mga nagpaikot sa kanya, pinaikot sa kanya hindi pinaalam sa kanya, ni-rush po ito kaya pagtapos ng admin, talagang ni-rush kagad napakabilis. Tumalikod ka lang nakita mo panay buhangin na kaagad,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ng PRA na tatlong proyekto ang naapektuhan ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suspendehin ang 22 reclamation projects sa Manila.

Isinisisi ng mga mambabatas at mga netizen ang reclamation projects bilang siyang pangunahing dahilan ng matinding pagbaha sa Metro Manila at kalapit probinsiya tulad ng Bulacan at Pampanga na naapektuhan din ng bagyong “Egay”.

Kumpara sa mga kasalukuyang proyekto, sinabi ni Ejercito na ang mga nagdaang reclamation projects ay tinutuluhan sa ilalim ng Republika ng Pilipinas. Kabilang dito ang Cultural Center of the Philippines (CCP) at iba pang establisimiyento.

“Lahat po yung mga andun [CCP Complex]… lahat po yan under Republic of the Philippines. Pero etong mga sumunod na… yung iba dyan napatituluhan na. Eto naman siguro as a way to circumvent the law, yan po ang ginawa nila para LGU na lang ang binigyan ng authority. Kaya dapat pong tingnan ano po ang nangyari,” sabi pa ni Ejercito. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on