WebClick Tracer

P6.1B inilaan sa airport upgrade sa 2024

Naglaan ang gobyerno ng P6.1 bilyon sa ilalim ng panukalang 2024 national budget para pondohan ang upgrade ng mga paliparan sa bansa.

Ang pondo ay mas malaki kumpara sa P3.1 bilyon na nakalaan ngayong taon. Nakapaloob ang pondo sa P214 bilyong pondo ng Department of Transportation’s (DOTr).

Sa P6.1 bilyong pondo para sa upgrading, P2.8 bilyon ang mapupunta sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasama na dito ang P1.2 bilyon na pambili ng bagong Communications, Navigation and Surveillance-Air Traffic Management (CNS-ATM) System.

Ang iba pang paliparan na makatatanggap ng pondo ay ang Kalibo International Airport (P581 milyon); Laoag International Airport (P500 milyon); Tacloban Airport (P500 milyon); New Dumaguete Airport (P500 milyon); Busuanga Airport (P405 milyon); New Zamboanga International Airport (P300 milyon); New Manila International Airport (P200 milyon); Bukidnon Airport (P120 milyon); at New Bohol Airport (P97 milyon). (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on