WebClick Tracer

P1B inilaan ng gobyerno para sa Manila Bay rehab

Naglaan ang gobyerno ng P1.4 bilyon sa ilalim ng panukalang 2024 national budget para sa paglilinis at rehabilitasyon ng Manila Bay alinsunod sa utos ng Korte Suprema.

Ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo makikita ang pondo sa ilalim ng Operational Plan for the Manila Bay Coastal Management Strategy ng Department of Environment and National Resources (DENR).

“The sum is in addition to the P1.5 billion earmarked (for the operational plan) in this year’s national budget,” sabi ni Rillo. “We are all for the complete environmental restoration of Manila Bay for the enjoyment of future generations of Filipinos.”

Kasama umano sa popondohan ang relokasyon ng 233,000 informal settler na direkta umanong nagtatapon ng maruming tubig sa mga lagusan patungong Manila Bay.

Paliwanag ni Rillo ang operational plan ay alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema na nag-uutos sa DENR at ilang pang ahensya na linisin ang Manila Bay upang maging ligtas itong paliguan.

Nauna ng sinabi ni Environment Secretary Maria Antonio Yulo-Loyzaga na posibleng maapektuhan ng mga isinasagawang reklamasyon sa Manila Bay ang kanilang mga hakbang upang masunod ang desisyon ng Korte Suprema.

Nais ng DENR na dagdagan ang mga sewage treatment plant (STP) kung saan dadaan ang maruming tubig bago mapunta sa Manila Bay. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on