WebClick Tracer

Nasasayang na tubig sa mga LWUA water district, kalahati ng laman ng Angat Dam

Halos 30% ng tubig na isinusuplay ng mga water district ng Local Water Utilities Administration (LWUA) ay nasasayang umano.

Ito ang sinabi ni LWUA Chairman Ronnie Ong kasabay ng kanyang paghingi ng tulong kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez upang matugunan ang problemang ito.

Ayon kay Romualdez ang pagsasaayos ng mga linya ng tubig ng LWUA ay hindi lamang makatutulong sa suplay ng tubig kundi maging sa kampanya ng gobyerno na maparami ang produksyon ng bigas sa bansa.

“The solution to these water service interruptions could be right under our noses. Patching up these water systems losses means more water for all at a time when El Niño remains a very serious threat to our daily convenience and food production,” sabi ni Romualdez.

Inatasan ni Romualdez ang mga miyembro ng Kamara na tumulong sa paghahanap ng solusyon sa problema ng LWUA.

“The ongoing deliberations of the House Committee on Appropriations chaired by Cong. Zaldy Co on the proposed P5.768-trillion budget for 2024 is the perfect opportunity to explore solutions, including the rehabilitation of water supply systems and modernizing LWUA,” sabi ni Romualdez.

Ayon kay Ong ang average na non-revenue water (NRW) rate ng mga water district sa ilalim ng LWUA ay 29.34%.

Ito ay katumbas umano ng 488 milyong metro kubiko na nasa kalahati ng kapasidad ng Angat Dam, na siyang pangunahing nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig na probinsya.

“We shall direct all congressmen to commit to the President’s call to conserve water by closely working with LWUA and addressing the wastage of water in their respective water districts,” dagdag pa ni Romualdez.

Ayon sa LWUA, hindi bababa sa 244 water district ang may NRW rate na hindi lalagpas ng 21% samantalang nasa 20 naman ang water district na ang NRW rate ay nasa pagitan ng 48% hanggang 71%.

“Solving the NRW will have an impact on food security as well, since reduced water system losses would mean that we won’t have to spread our water resources too thinly to the detriment of farmers, livestock, and other food producing industries,” dagdag pa ni Romualdez.

Ang LWUA ang nangangasiwa sa mahigit 532 water district sa iba’t ibang siyudad at probinsya sa labas ng Metro Manila. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on