WebClick Tracer

Motorsiklo sumabit sa nilalagpasang truck sa Rosario, Batangas, rider pisak

Patay ang isang painter nang ang minamaneho nitong motorsiklo ay sumabit sa gulong ng kanyang inoovertakan na ten wheeler truck sa national highway sa Rosario, Batangas noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Vener Bool , residente ng Batangas City .

Ayon sa report ng Rosario police, dakong alas 4:30 ng hapon nang mg-overtake ang rider sa kanan ng truck na minamaneho ni Cresencio Espiritu , residente ng Tanauan City, subalit sumabit ang manibela ng motor sa hulihang gulong ng truck.

Nawalan ng kontrol ang biktima at natumba ang motorsiklo.

Sa kasamaang palad napailalim sa truck ang biktima at nahagip ito ng kaliwang gulong.

Naisugod pa ito sa St Gerard General Hospital sa Rosario subalit binawian din ng buhay habang ni;lalapatan ng lunas.

(RONILO DAGOS)

TELETABLOID

Follow Abante News on