WebClick Tracer

Mga Pinoy lubhang naapektuhan sa Hawaii wildfire

87 na ang nakukuhang patay habang mahigit sa 1,000 katao pa ang hinahanap sa malagim na trahedya są kasaysayan ng isla ng Maui sa Hawaii

Malaking populasyon ng Filipino-American ang nakatira sa isla ng Maui partikular na sa Lahaina na tinupok ng apoy matapos ang malawakang wildfire.

Ilang Filipino ang napaulat na kabilang sa mga nawawala, ayon sa Maui Filippino Chamber of Commerce.

Ayon sa Philippine Consulate General Office sa Hawaii, wala pang kumpirmasyon sa kalagayan ng mga Pinoy sa Lahaina dahil Walang kuryente at bagsak ang linya ng komunikasyon doon

Abala ang mga atoridad sa search and recovery operation kaya wala pang maibigay na malinaw na impormasyon sa konsulado sa Honolulu.

Mahigit sa 1,700 na gusali ang nilamon ng apoy ilan sa mga ito ay hotel, restaurant at residential building

Ibinuhos na ng US federal government ang lahat ng resources ng gobyerno para ayudahan ang isla ng Maui at hanapin ang mga nawawala.

Ayon kay Hawaii Governor Josh Green, asahan daw ang pagtaas ng bilang mga casualty sa mga susunod na araw. (Dave Llavanes Jr.)

TELETABLOID

Follow Abante News on