WebClick Tracer

Media literacy subject huwag isama sa curriculum – Escudero

escuderochiz

Suportado ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero ang digital campaign ng gobyerno para labanan ang fake sa internet.

Subalit kailangan umanong maghinay-hinay sa pag-introduce ng dagdag na module o subject sa nasabing isyu sa kasalukuyang curricula ng estudyante sa lahat ng antas.

Aniya, kailangang pag-aralan muna itong mabuti at ikonsulta bago isama sa curriculum ng mga mag-aaral.

“Para sa akin ay magandang suhestyon ito pero huwag naman sila agad-agad na maglagay ng karagdagang subjects sa curriculum. Hindi naman ganun kadali iyon at hindi naman lahat ay kailangan at interesado diyan,” pahayag ni Escudero nang tanungin tungkol sa planong media literacy campaign sa pangunguna ng Presidential Communications Office (PCO).

Nakahanda na ang PCO na ilunsad ang kampanya ng administrasyon laban sa fake news sa pamamagitan ng memorandum of understanding (MOU) para impormalisa ang partnership ng mga ahensya ng gobyerno at mga social media platform tulad ng Facebook, YouTube at X (dating Twitter).

Nauna nang naiulat na ang Department of Education (DepEd) at ang ommission on Higher Education (CHED) ang partner agencies ng PCO para ipakilala ang media media literacy subjects.

“Huwag tayo padalus-dalos sa pagdagdag o pagbawas o pag-alis sa anumang bagay na nasa curriculum dahil mahabang proseso ang pinagdaanan bago iyan naisama o natanggal,” ani Escudero.

“Lalo na sa higher institution, nakabase din iyan sa pangangailangan ng workforce kapag sila ay nag-graduate at base rin iyan sa mga board exams na kailangan kunin para maging ganap na professional,” sambit pa niya.

Sa halip na dalawang kagarawan, inirekomenda ni Escudero na dapat isama na PCO ang Department of Information and Communications Technology (DICT) bilang key partner nito. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on