WebClick Tracer

Mariel, Robin Padilla binisita Pag-asa Island sa WPS

“Atin po ito.” — Ito ang inihayag ni Senador Robin Padilla matapos bisitahin ang Pag-asa Island sa West Philippine Sea nitong Biyernes.

Sa kanyang pagbisita, isinulong ni Padilla ang pagpapatupad ng mga proyekto para sa mga Pilipinong nakatira roon, para hindi na sila kailangang umalis pa.

“Mga mahal kong kababayan, naniniwala po ako na napakalaki ng magiging papel ng storya ng Pag-asa island sa kasaysayan ng Pilipinas. Atin po ito. Huwag po nating hayaang maangkin ito ng kung sino-sino lang,” aniya sa kanyang Facebook account nitong Sabado.

“Mabuhay ang Pag-asa! Mabuhay ang Pilipinas!” dagdag pa niya.

Kasama ni Padilla sa pagbisita sa Pag-asa Island ang kanyang asawa na si Mariel.

Sa kanyang talumpati, diniin ni Padilla ang kahalagahan ng pag-develop ng Pag-asa Island, kabilang ang binabalak na gawing fishing hub ang lugar.

“Kailangan ma-develop natin ang Pagasa Island para pag na-develop natin ito, ang mga civilian nandito talaga. Huwag na kayong umalis. Imbes na pakaunti kayo kailangan dumami kayo,” saad ng senador. (Dindo Matining)

See related stories:

Mariel napadasal sa flight kasama mga anak: Sana mag-land na!

Mariel nabawasan kaibigan nang tumakbong senador si Robin

Mahilig sa branded! Pambili ng luho ni Mariel, galing ba kay Robin?

TELETABLOID

Follow Abante News on