WebClick Tracer

LJ Reyes ngiting tagumpay sa bridal shower

Parang nanalo sa lotto ang ngiti ng bride-to-be na si LJ Reyes sa ilang litrato sa isinagawang bridal shower para sa kanya ng mga kaibigan.

“Lol. Never thought I will experience this in NYC. Thank you so much girls. I love you all!!!” sey ni LJ.

Noong May nang gulatin ni LJ ang publiko nang i-share ang ilang photos ng naging marriage proposal sa kanya ng non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Matatandaang lumipad pa-New York, USA ang former actress kasama ang dalawa anak na sina Aki at Summer matapos ang paghihiwalay nila ng aktor na si Paolo Contis noong August 2021. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on