WebClick Tracer

Livelihood programs ng gobyerno irerepaso

Rerepasuhin ng Department of Budget and Management (DBM) ang iba’t ibang livelihood program ng gobyerno na nakakalat sa mga ahensya ng gobyerno.

Ito ang sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa pinakahuling deliberasyon ng Kamara de Representantes sa panukalang P5.768 trilyong budget para sa 2024.

Nang silipin umano ni Marcos ang isinumiteng kopya ng panukalang 2024 national budget ay napansin nito na nakakalat ang iba’t ibang livelihood program sa maraming ahensya.

“The President actually instructed us to rationalize all the livelihood projects and programs under the national government, because when he reviewed the NEP (National Expenditure Program), the President’s budget, he thought that there’s a lot of agencies who provide livelihood programs separately,” sabi ni Pangandaman.

Ang mga pagbabago na maaari umanong irekomenda ng DBM ay maaaring maisama sa paggawa ng panukalang budget para sa 2025.

“So by 2025, we will start our study this year and by 2025 maybe we’ll just concentrate on the livelihood projects and at the same time focus on those who really need the program,” dagdag pa ni Pangandaman. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on