WebClick Tracer

Kuya Kim kinuyog ng mga nagtatanggol kay Pura Luka Vega

Dinikdik si Kuya Kim Atienza ng mga supporter ni Pura Luka Vega matapos nitong hiritan ang drag performer.

Matatandaan na nag-comment si Kuya Kim sa isang post kung saan sinabi nitong suportado niya ang pag-persona non grata ng Manila City Council kay Pura Luka Vega.

Punto ni Kuya Kim, sa Quiapo, Manila ang sentro ng debosyon sa Black Nazarene, na makikitang ginagaya ni Pura Luka Vega ang kasuotan sa kanyang mga performance.

May message din ang TV host para kay Luka.

“Hi Luka. We haven’t met yet but I wish you well. I sincerely hope you develop the empathy to know how deeply offensive your ‘art’ is to majority of Filipinos,” hirit ni Kuya Kim.

Dahil dito, pinutakte sa Twitter (X) si Atienza ng mga nagtatanggol kay Pura Luka Vega.

Heto ang komento ng ilang netizen:

“Ku/ya K/im is biggest proof na great encyclopedic knowledge wont necessarily lead to brilliant critical thinking skills.”

“At naniwala naman talaga kayo na alam talaga ni Kuya Kim ang mga pinagsasabi niya?”

“Ayaw ng zoology prof ko kay kuya kim. Ewan ko kung dahil lang sa maling pagdisplay ng scientific name.”

Gayunpaman, marami naman ang dumepensa rin kay Kuya Kim, pinunto na mali naman daw talaga ang ginawa ni Pura Luka Vega na offensive sa mga Katoliko. (RP)

See related stories:

Apollo Quiboloy kay Pura Luka Vega: ‘Dapat ipako natin siya’

Pura Luka Vega pinalalayas sa Pilipinas ni Rendon

Pura Luka Vega pumalag na sa persona non grata: ‘Drag is art’

TELETABLOID

Follow Abante News on