WebClick Tracer

Kakainin ng mga Pinoy hindi puwedeng iasa sa ibang bansa – AGRI rep

Hindi umano dapat iasa ng gobyerno sa ibang bansa ang kakainin ng mga Pilipino at dapat paramihin ang produksyon ng pagkain sa bansa upang hindi na kailangang mag-import.

Sinabi ito ni AGRI party-list Rep. Wilbert Lee matapos magpahayag ang Vietnam ng kahandaan na magbenta sa Pilipinas ng bigas.

“While we thank Vietnam for the assurance that there will be a steady supply of rice to the Philippines, the export policies of other nations are beyond our control and we cannot predict when these will change. Isang halimbawa nito ang desisyon ng India noong nakaraang buwan na itigil ang pag-export ng bigas,” sabi ni Lee.

Sa Vietnam nanggagaling ang 90% ng imported na bigas ng Pilipinas.

Ang India naman, na pangunahing pinanggagalingan ng imported na bigas sa mundo, ay magpapatupad ng rice import ban dahil sa inaasahang pagbaba ng kanilang produksyon dulot ng hindi magandang panahon.

“As such, the best solution to shield ourselves from unpredictable export policies is for us to ensure our farmers are fully supported by our laws, programs, and policies to be able to plant and harvest rice,” dagdag pa ni Lee.

Nauna ng nagbabala ang Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) ng pagtaas ng presyo ng bigas ng hanggang P4 kada kilo hanggang sa Setyembre, kung kailan inaasahang magsisimula ang anihan.

Ang pagtaas umano sa presyo ay bunsod ng pagmahal ng bigas sa ibang bansa. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on