WebClick Tracer

Juday isiniwalat ang mga crush sa showbiz

Na-shookt ang mga netizen nang malaman ang mga aktor na super crush ni Judy Ann Santos.

Sey ni Juday, patay na patay raw siya kay Francis Magalona.

“Patay na patay talaga ako sa kanya. Kilig na kilig talaga ako sa kanya,” saad ng magaling na aktres sa vlog ng celebrity dermatologist na si Dr. Aivee Teo.

Dagdag pa ni Juday, sa sobrang pagka-crush niya sa Master Rapper, pupuntahan pa niya ang mister na si Ryan Agoncillo sa show nito noon na “Philippine Idol” para bigyan ng cake si Francis M dahil mahilig daw ito sa dessert.

“Ang bait na bait kasi na tao. Kilig na kilig talaga ako sa kanya tuwing nakikita ko siya,” ani Juday patungkol kay Francis M.

Alam naman daw ni Ryan na crush na crush niya ang Filipino rapper.

Maliban kay Francis M, biggest crush din daw niya ang “Bagets” star na si JC Bonnin, na naninirahan na ngayon sa US. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on