WebClick Tracer

Juday, Aga naging magdyowa?

May inamin si Judy Ann Santos tungkol sa ultimate leading man na si Aga Muhlach.

Sa vlog ng celebrity dermatologist na si Dr. Aivee Teo, naurirat niya ang aktres tungkol kay Aga.

“Si Aga hindi? Hindi mo siya naging partner?” tanong ni Teo kay Juday matapos aminin ng aktres ang mga celebrity crush niyang sina Francis Magalona at JC Bonnin.

Sey ni Judy Ann, hindi sila nagkaroon ng chance na maging partners ni Aga, at pakiramdam daw niya ay mas okay silang magbarkada lang.

“Although we are good friends. We’re very, very good friends. Ano kami ni Aga, mas hangout buddies kami ni Aga. Pero matanda na kami noon pareho,” saad ni Juday.

“Parang feeling ko mas okay kaming barkada. Ganun lang talaga kami. Pero may mga ganun naman ‘di ba?” dagdag niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on