WebClick Tracer

Jose, Wally kumuha ng bagong manager

May bago nang manager ang comedian duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Kinuha nina Jose at Wally si Joel Roslin, na matagal nang kilala ng dalawang komedyante.

Nagsilbi na si Roslin bilang road manager ng dalawang ‘E.A.T’ host ng halos dalawang dekada.

Ngayon ay magiging talent manager na si Roslin ng dalawa sa pinakasikat na komedyante sa bansa.

Hindi rin matatawaran ang experience ni Roslin sa pagma-manage.

Nakapagtrabaho na siya bilang production manager ng isang talent management agency, at naging staff na rin para sa Viva Films.

Parehong umuusbong ang career nina Jose at Wally ngayong taon.

Si Jose ay isa sa hurado para sa ‘Battle of the Judges’, mamanahin din niya kasama si Wally ang ‘Wow Mali’ na dating hawak ni Joey de Leon na magsisimula na ngayong Agosto. (RP)

See related stories:

Zombie pinagtanggol si Jose Manalo, tinawag na ‘legit comedian’

Racist joke nga ba ang sinabi ni Jose Manalo kay Zombie?

Kahit pasisikatin ng TAPE ang JoWaPao, Wally Bayola sa TVJ sasama

TELETABLOID

Follow Abante News on