WebClick Tracer

Ex-Manila vice mayor Danilo Lacuna pumanaw na

Sumakabilang buhay na ang dating vice mayor ng Maynila na si Danilo Lacuna.

Siya ay edad 85.

Inanunsyo ng kanyang panganay na anak na si Manila Mayor Honey Lacuna ang pagpanaw ng kanilang padre de pamilia.

Ayon kay Mayor Honey, pumanaw ang kanyang ama nitong Linggo ng umaga.

“A man of great service and compassion, Danny touched many, creating life which spans further than just his hears and into the hearts of us all qhere he will remain forever,” lahad sa post ng alkalde.

Nagsilbi si Danilo bilang councilor sa Maynila ng pitong taon, bago naging vice mayor ng lungsod mula 1970 hanggang 1971, 1988 hanggang 1992, at 1998 hanggang 2007. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on