WebClick Tracer

Diplomasya dapat gawin sa agawan ng teritoryo sa WPS – OCTA survey

Mayorya sa mga Pilipino ang naniniwalang dapat idaan sa diplomasya at mapayapang paraan ang paggigiit ng karapatan sa West Philippine Sea.

Ito ang inilabas na resulta ng OCTA Research sa ginawang survey mula July 22-27 kung saan 70 percent ng mga respondent ay gusto ng mapayapang kalutasan sa gusot sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Lumabas sa survey na kailangan din ang pagpapalakas sa kakayahan ng militar (61%) sa pamamagitan ng modernisasyon ng mga kagamitan, paggamit ng military action (65%) para protektahan ang bansa at teritoryo.

Matatandaang uminit ang usapin sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea matapos harangin ng China Coast Guard ang barko ng Philippine Coast Guard noong August 5, 2023 na maghahatid ng resupply sa mga sundalong nasa Ayungin Shoal matapos gamitin ng water cannon ang maliit na barko ng bansa.

Ang survey ay ginawa sa pamamagitan ng 1,200 respondent, at may +3% error margin habang 95% ang confidence level.

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga mambabatas at maging sa ilang mga bansa ang ginawa ng China at kinondena ang naging aksyon ng China Coast Guard sa tropa ng gobyerno. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on