WebClick Tracer

DBM nakaipon ng mahigit P681M noong 2020

Nakaipon ng mahigit P 681 milyon ang Department of Budget and Management (DBM) nitong 2020.

Ito ang ipinagmalaki ng DBM na resulta ng transparent procurement ng Procurement Service ng ahensiya.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ito ang pinakamataas na savings na naitala ng DBM simula noong 2020.

Malaki aniya ang natipid ng gobyerno dahil sa ginawang bultuhang pagbili ng mga pangangailangan ng gobyerno at market price monitoring validation.

Matatandaang nalagay sa hot seat ang PS-DBM noong panahon ng Duterte Administration matapos kuwestiyunin ang mga biniling COVID-19 supplies ng Department of Health noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ng kalihim na maganda ang palakad ngayon sa PS-DBM dahil sa maayos ang pangangasiwa ni PS-DBM Executive Director Dennis Santiago. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on