WebClick Tracer

Daan-daang Pinoy nawawala sa Hawaii wildfire

Abot sa ilan daang Pilipino ang nawawala sa nangyaring malawakang wildfire sa Maui Island sa Hawaii.

Ayon kay Maui Filipino Chamber of Commerce director Kit Zulueta Furukawa, maraming Pinoy ang nakatira sa naturang isla, na aniya’y ikalawang may pinakamaraming populasyon sa lugar.

Karamihan umano sa nagtatrabaho sa Lahaina sa Maui Island ay mga Pinoy, kaya sila rin ang lubhang naapektuhan ng malawakang wildfire na kumitil sa buhay ng abot sa 80 katao.

Tinatayang abot sa 2,000 gusali ang nawasak sa nangyaring wildfire, kasama na rito ang bahay ng mga residente sa isla.

Nagsasagawa na ng search and rescue operation sa naturang isla kung saan nasa 1,000 katao pa rin ang nawawala. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on