WebClick Tracer

Daan-daang Pinoy nawawala sa Hawaii wildfire

Daan-daang mga Pilipino ang naiulat na nawawala o missing sa naganap na wildfire sa Maui, Hawaii.

Ayon kay Kit Furukawa, Director ng Maui Filipino Chamber of Commerce , patuloy pa rin ang search and rescue operations at daan-daang Pilipino ang nawawala.

“I cannot give you an exact estimate how many are Filipinos, hundreds of Filipinos I would say sure, not just one hundred, there will be like hundreds missing,” ani Furukawa.

Blangko pa rin ang konsulada ng Pilipinas sa Honolulu, Hawaii sa eksaktong bilang ng mga Pilipinong naapektuhan ng wildfire na tumupok sa isla ng Maui.

Ayon kay Philippine Consul General In Honolulu Emil Fernandez, wala pang inilalabas na opisyal na bilang ang gobyerno ng Hawaii sa mga namatay, nawawala at naapektuhang mamamayan sa sunog na tumupok sa mga kabahayan, eskuwelahan, simbahan at mga establisimento sa isla ng Maui.

Patuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan ng konsulado sa mga otoridad sa Hawaii para sa mga bagong impormasyon sa nangyaring sakuna.

“When they come out with figures regarding fatalities, those who are still missing, those who have been evacuated out of the island of Maui, wala silang breakdown according to ethnicity or even citizenship,” ani Fernandez.

Mayroon aniyang mahigit 27,000 mga Pilipino sa Maui at mayroon ng mga tumawag sa konsulada para humingi ng tulong na hanapin ang kanilang mga kamag-anak.

“We’ve received 30 calls and we referred them to organizations such as the American Red Cross na mayroong sistema to locate individuals who maybe missing or we obtain their information para tulungan namin para hanapin,” dagdag ni Fernandez.

Mayroon aniyang bagong dating na Overseas Filipino Workers sa Hawaii na pawang mga guro at 50 sa mga ito ay nadestino sa Maui.

Sinabi ni Fenandez na batay sa pakikipag-ugnayan nila sa Department of education ng Hwawaii, ligtas ang mga ito at kasalukuyang nasa temporary shelters.

“Yes meron din tayong OFWs, there was a latest group of teachers that arrived through J1 exchange visitor program ng US, they were 80 of them that arrived last month and accoding to our contacts sa Hawaii’s department of education, they have been accounted for and they are in temporary shelters,” wika ni Fernandez. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on