WebClick Tracer

Bong Go sa DPWH: Accomplishment report sa mga flood control project nasaan na?

Dapat hindi sayangin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bawat sentimong pondo para sa flood control projects ng pamahalaan.

Ito ang sinabi ni Senador Christopher ‘Bong’ Go sabay ng kanyang kahilingan sa DPWH na magsumite ng accomplishment report sa kabila ng bilyon-bilyong pondo nailaan na sa mga flood control project sapul pa noong 2019.

“Dahil unti-unti tumataas bawat taon dapat po ay walang masayang dito. Dapat po ay walang masayang na isang piso na pondo ng gobyerno,” sabi ni Go.

Hinahanapan din ng senador ang DPWH ng prioritization strategy pagdating sa pagtukoy ng flood control project na kanilang ilalagay sa kanilang master plan para matugunan ang isyu ng pagbabaha sa mga bahaing lugar sa bansa.

Sabi ni Go, dapat malinaw na nakasaad sa prioritization strategy ng DPWH ang flood-prone provinces tulad ng Pampanga at Bulacan kesa sa mga lalawigan na kokonti lang ang populasyon.

“Ano ho ba ang master plan ng ating DPWH? Hindi ba dapat unahin nila na mga dapat paglagyan yung mga flood prone areas. Kaya tinanong ko rin sa kanila ang prioritization plan nila. Saan nila dapat ilagay. ‘Wag niyo naman ilagay doon sa mga lugar na walang tao,” ani Go.

“Ano ho bang purpose ng flood control ninyo kung wala namang populasyon, wala namang tao ang paglalagyan ninyo ng inyong slope protection.”

Ilagay ninyo po sa mga lugar na flood prone areas. ‘Wag niyong ilagay sa mga lugar na wala naman kayong pinoproteksyunan, wala namang tao,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on