WebClick Tracer

Bagay raw! Netizens kinilig sa sweetness nina Yassi Pressman, Sandro Marcos

Trending topic ngayon sa TikTok ang lambingan ni Yassi Pressman at presidential son Sandro Marcos.

“This was after party last July 24, 2023. They were good friends,” sabi sa caption ng nag-post na may username _kitkatsz.

Sa gitna ito ng napaulat na hiwalay na ang aktres sa kanyang boyfriend na si Jon Semira.

Ito’y matapos mag-post sa kanyang IG si Yassi na may nakalagay na, “not triple. not double. but SINGLE.”

Naka-unfollow na rin si Yassi sa account ng kanyang boyfriend.

May post din si Yassi kung saan malaya na raw siya katulad ng tattoo niyang hummingbird.

“It’s nice to be free like this hummingbird on me,” ani Yassi.

Samantala, napapabalita namang girlfriend ni Sandro ang TV host na si Alexa Miro.

Narito ang comment ng ilang netizen:

“Bagay silang dalawa.”

“Sandro sya nalang please.”

“Mas okay sila.”

“Kinikilig ako bagay sila ahahaha.” (IS)

@_kitkatsz SANDRO X YASSI LOOK SO FINE 🔥🥵 THIS WAS AFTER PARTY LAST JULY 24,2023. They were good friends💯🥰CTTO #sandromarcos #sandromarcos7 #congressmansandromarcos #bbm #bongbongmarcos #president #presidentialson #sona2023 #yassipressman #girlbestfriend #girlfriend #cute #latestupdate #update #sweet #fyp #fypシ #fypシ゚viral #foryou #foryoupage ♬ original sound – _kitkatsz

TELETABLOID

Follow Abante News on