WebClick Tracer

Anthony Raga inungusan German, abante sa finals

Dumaan sa butas ng karayom si Anthony Raga bago kinalos si hometown bet Joshua Filler, 11-9 sa $200K 2nd European Open Pool Championship semifinals Linggo ng gabi sa Hotel Esperanto, Fulda, Germany.

Naunahan sa unang dalawang racks ang 25 taong-gulang na Pinoy cue artist mula sa Cebu pero nang sumagot ng panalo sa sumunod na dalawaang rack ay biglang lumayo muli ang German, 2-6.

Hindi nasiraan ng diskarte si Raga, tinabla ang sarguhan sa 6-all kaya nabuhayan ng loob ang mga Pinoy fan na nanonood sa website.

Hinarbat ng pambato ng ‘Pinas ang bentahe, 9-7 pero muling nagtabla ang iskor pagkaraan 18th frame, 9-9.

Dito na lumabas ang tibay ng dibdib ni Raga, sinargo ang dalawang sunod na mahirap na panalo upang sumampa sa Finals sa event na nakataya ang $30K premyo para sa magkakampeon.

Bago sumabak sa semis, pinagulong din ng Cebuano si Wojciech Szewczyk ng Poland sa quarterfinals, 10-7. (Elech Dawa)

TELETABLOID

Follow Abante News on