WebClick Tracer

22 Manila reclamation project minadali ng PRA – JV Ejercito

Ang Philippine Reclamation Authority (PRA) ang dapat sisihin sa pagdami ng reclamation projects sa Manila Bay na umabot na ngayon sa 22, ayon kay Senador Joseph Victor Ejercito.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Ejercito na mukhang minadali ng PRA ang order sa ilalim ng nagdaang Duterte administration kung saan pinapayagan nito ang Local Government Units (LGUs) na pumasok sa reclamation contract sa Manila Bay.

“Alam ko, hindi gusto ni President Duterte pero mukhang finasbreak towards the end of his term, na yung PRA mukhang nag-isyu sila ng… I don’t know if it is an executive order pero hindi ata si Presidente ang pumirma para authorizing the LGUs to enter into a reclamation contract,” pahayag ni Ejercito sa panayam sa DZBB.

“Bakit LGUs, eh ang Manila Bay ay pag-aari na buong bansa po yan..kaya doon po ako nalulungkot at nagtataka…” dagdag pa niya.

Kung magkaroon man ng imbestigasyon hinggil dito, sinabi ni Ejercito na dapat may managot mula sa PRA hinggil sa napakaraming reclamation projects sa Manila Bay.

“Kung sakaling magkaroon ng imbestigasyon dito, kailangang may managot dito. Sino ang nag-apruba ng 22 reclamation projects along Manila Bay? Fastbreak talaga ito eh. From what I know Presidente Duterte didn’t want this,” ani Ejercito.

Hindi rin naniniwala ang senador na may kinalamang si dating Pangulong Duterte sa pag-apruba sa naturang mga proyekto.

“It was during his administration pero I don’t believe it was PRRD. So, maaaring yung mga agencies or people close to Malacanang, I don’t know. Pero bakit napunta ang approval or yung authority to grant reclamation to the LGus when in fact, Manila bay is indeed a patrimonial property, again, I would stick to that,” dagdag pa niya.

Ilan sa mga LGUs na binigyan ng PRA ng kapangyarihan para pumasok sa reclamation project ay ang mga lungsod ng Maynila, Pasay, Paranaque, Las Pinas at mga bayan ng Navotas, gayundin ang lungsod ng Bacoor sa Cavite.

“Sa pagkakaalam ko, all bodies of water including Manila Bay is a patrimonial property or asset. Pag-aari po ng estado at ng Republika ng Pilipinas yan. Di ko maintindihan kung bakit bakit binigyan ng authority ang LGUs na magbigay ng kontrata sa private entities para magsagawa ng reclamation,” ani Ejercito.

“Kaya ang tanong, dapat ba ang LGUs ang magbigay ng authority para magkaroon ng kontrata to reclaim? Di ba patrimonial property yan, ang buong Manila Bay pag-aari yan ng buong Republika ng Pilipinas. Yan po ang isang contentious issue diyan,” sambit pa ng senador. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on