WebClick Tracer

Top rebounder ng G League, kinuha ng Warriors

Kinuha ng Golden State Warriors ang 7-foot center na si Jayce Johnson, na isang ring top rebounder sa NBA G League.

“The Golden State Warriors are signing the NBA G League’s top rebounder Jayce Johnson on a training camp Exhibit 10 deal,” ayon kay Shams Charania ng The Athletic at Stadium.

Ang nasabing center ay may average na 6 puntos at 7 rebounds noong Summer League. Noong nakaraang season naman para sa Santa Cruz Warriors, ang 26 taong gulang na center ay may average na 13.5 rebounds kada laro.

Si Johnson na ang pinakamalaki na nasa roster ng Warriors. (CS)

See Related Story Here:

Anak ni Steve Kerr, magiging head coach ng Santa Cruz Warriors

TELETABLOID

Follow Abante News on