WebClick Tracer

SB19 management keber sa binastos na mga fan sa US

Tila walang pakialam ang bagong management ng SB19 sa sangkatutak na reklamo ng mga fan na nabastos sa pagtrato ng mga handler nito sa US world tour.

Nakausap ng Abante US News bureau ang General manager ng bagong handler ng SB19 na si Jon Pinto sa pamamagitan ng promoter ng world tour nito na si Anna Puno ng StarMedia at sinabi nito na itatama nila ang mga reklamo ng fans.

Pero wala itong pahayag kung hihingi siłą ng paumanhin są mga nagdamdam na fans dahil sa magaspang na pag-uugali ng mga handler nito.

Hangang kahapon ay patuloy na nakakatanggap ang Abante ng reklamo ng fans.

Sa isang text message sinabi ni Sarah na isa siya sa inagawan ng cellphone ng mga handler ng SB19, “I was taking live video via Facebook then, mid of SB’s second song, bigla na lang may pumindot sa phone ko ended my video then she had my phone laid it on my lap and made sure na deleted ang video ko without saying anything and just left…and I saw her na ginawa din niya with 4 other people dun sa row napakabastos!”

Inirereklamo ng mga fans ang mga pangalang Leah, Kristine at Rananica.

Ayon kay Sarah, “It wouldn’t surprise me if one of these days she’ll get her face smack by someone dahil sa ginagawa niya. Especially hindi Pililpinas ito, nasa America sila they cannot do that.”

Ipinarating ng Abante kay Anna Puno ang mga bagong reklamo ng mga fan.

Sinabi ni Puno na ipinagbabawal raw talaga ang pag-live ng SB19 concert sa social media pero ayon sa mga fans hindi sila na-inform.

Kinontak din ng Abante sa pamamagitan ng kaniyang Facebook account si Jon Pinto pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang sagot. (Dave Llavanes Jr.)

See Related Story Here:

Sold out! SB19 pasabog sa kanilang global tour

TELETABLOID

Follow Abante News on