WebClick Tracer

Ricci Rivero hindi choosy sa PBA team

Mukhang sa basketball na muli magpo-focus si Ricci Rivero matapos ang kanyang showbiz stint.

Matatandaan na inanunsyo ni Ricci na ilalagay na niya ang kanyang pangalan sa 2023 PBA Draft.

Sa panayam ni Noli Eala kay Ricci, sinabi niya na wala naman siyang koponan na target sa PBA.

Gusto lang niya ay maging swak siya sa sistema kung sino man ang kukuha sa kanyang team.

“Looking forward lang ako sa draft mismo kasi malalaman mo kung saan ka maglalaro, and gusto ko doon ako sa magfi-fit sa system,” sey ni Ricci.

Binida rin ni Ricci ang kanyang mga magiging ambag sa court, kung saan aniya’y meron siyang hustle at energy na pwede niyang maging bentahe sa PBA. (RP)

See Related Story Here:

Ricci Rivero target ang PBA

TELETABLOID

Follow Abante News on