WebClick Tracer

Rendon Labador humanga kay Wally Bayola: ‘Nakuha mo ang respeto ko’

Humanga si Rendon Labador kay Wally Bayola matapos nitong humingi ng paumanhin sa ginawa nitong malutong na pagmumura sa national TV.

Sa Instagram story ni Rendon, sinabi nitong nakuha ni Wally ang kaniyang respeto.

“Gusto kong malaman mo Wally na nakuha mo ang respeto ko dahil sa ginawa mong public apology. Nag kamali ka at inamin mo ang nagawa mong pag kakamali. Wala naman taong perpekto, ang mahalaga naitatama natin ang bawat pag kakamali.”

Dagdag pa ni Rendon, huwag umanong tularan ang mga personalidad na “hindi kayang lumunok ng kanilang pride”.

“Madaming kilalang personalidad ang hindi kayang lumunok ng kanilang pride at kahit kabastusan ang nagawa ay pilit paring gagawing tama. Huwag nating tularan ang mga ganung klaseng tao. Mababa ang tingin ko sa kanila.”

(CS)

See Related Story Here:

‘EAT’ ipinatawag ng MTRCB sa pagmumura ni Wally

TELETABLOID

Follow Abante News on