WebClick Tracer

Pinigilan live ng TVJ: MTRCB napansin violation ng ‘Eat Bulaga’

Nagkaroon umano ng paglabag ang ‘Eat Bulaga’ ng TAPE, Inc. ng pigilan nilang mag-live sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ang iba pang Dabarkads noong Mayo.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Lala Sotto, sinabi nito na kaagad napansin ng kanilang monitoring team ang violation ng naturang noontime show.

“Immediately, the monitoring inspection unit observed that violation,” wika ni Lala.

Paliwanag niya, ang alam kasi ng MTRCB ay live ang ipalalabas ng ‘Eat Bulaga’, ngunit replay lang ang kanilang pinalabas.

“Alam namin it was supposed to be a live show dito sa MTRCB. Ang permit to exhibit nila ay live, pero they chose to replay,” saad pa ng anak ni Tito Sotto.

Noong May 31 ay matatandaan na replay ang pinalabas ng TAPE sa ‘Eat Bulaga’ kahit pa nasa studio ang TVJ at iba pang Dabarkads.

Doon na rin inanunsyo ng TVJ na sila’y kakalas na sa production company na nakasama nila ng lampas apat na dekada. (RP)

See Related Story Here:

Wally Bayola nag-sorry sa pagmumura sa national TV

TELETABLOID

Follow Abante News on