WebClick Tracer

No. 3 high school basketball player sa Alabama dedo matapos mag-collapse sa court

Nasawi ang No. 3 high school basketball player sa Alabama matapos mag-collapse habang ito ay nasa court. Ang 17 taong gulang na si Caleb White, isang senior sa Pinson Valley High School, ay nasawi matapos na maihatid sa ospital.

Ayon sa kamag-anak ni White na si George Varnadoe Jr., na-cardiac arrest umano si White.

“24 HOURS AGO, MY GRANDSON, CALEB WHITE COLLAPSED ON THE BASKETBALL COURT, WENT INTO CARDIAC ARREST AND ALL ATTEMPTS TO RESUSCITATE HIM FAILED.”

“THIS WAS SIMILAR TO THE ILLNESS LABRON JAMES SON EXPERIENCED AS HE WAS WORKING OUT.” dagdag pa nito.

Matatandaang kamakailan lang ay ang anak naman ni LeBron James na si Bronny ang naiulat na nagkaroon ng cardiac arrest habang nasa court ngunit matapos lang ang ilang araw ay nakalabas na ito ng ospital. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on