WebClick Tracer

Lala Sotto: ‘It’s Showtime’ ilang beses pinagbigyan bago kalampagin

Binunyag ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Lala Sotto na marami na palang reklamo sa ‘It’s Showtime’ na kanilang pinalampas.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Lala, sinabi nito na bago pa ang issue ng pagdutdot ng icing nina Vice Ganda at Ion Perez ay nakatanggap na rin sila ng iba pang complaint sa noontime show ng ABS-CBN.

“Meron bang mga reklamo sa ‘It’s Showtime’ na pinalampas ng MTRCB?” tanong ni Ogie.

“Yes, there are about seven or eight (complaints),” tugon naman ni Lala.

Aniya, imbes na parusahan ay binibigyan na lang nila ng warning ang programa. Alam din umano ng ABS-CBN ang tungkol sa mga posibleng violation na pinalalampas ng MTRCB.

“Alam nila, although meron pang two other pending issues aside from the icing issue,” saad pa ni Lala.

Paliwanag ng anak nina Tito Sotto at Helen Gamboa, lumaki siya sa noontime show kaya iniintindi niya ang programa.

“I grew up in a noontime show, naiintindihan ko ‘yan. That is why I could say that we’ve been very tolerant and understanding, kaya kaya namin magpalampas kung pwede naman,” wika ni Lala. (RP)

See Related Story Here:

MTRCB chair Lala Sotto hindi kilala si Rendon Labador

TELETABLOID

Follow Abante News on