WebClick Tracer

Kalei Mau nagdalamhati sa mga nasawi sa Hawaii wildfire

Pinagdasal ng volleyball star na si Kalei Mau ang mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa malawakang wildfire sa Maui, Hawaii.

Sa Instagram post ng Fil-Hawaiian athlete, pinakita niya ang naging sunog at usok mula sa wildfire. Binahagi rin niya ang ilang paraan para makatulong sa mga nasalanta.

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Kalei Mau (@leimau_)


“My heart is with the families that have lost their homes, their loved ones, and those still in search for family members that have been displaced during evacuation,” wika ni Mau.

Maging ang pamilya ni Kalei ay naapektuhan din ng wildfire.

Ang kanyang kapatid ay nasunugan ng bahay, ngunit pasalamat pa rin siya dahil nanatiling ligtas ang kanyang pamilya.

“While grieving the greatest loss in our family.. my brother’s have just lost their homes and all of their belongings in this devastating tragedy but I thank God my family is safe, alive, and together at this moment!” saad ni Kalei.

Sa wildfire, abot sa 67 ang nasawi sa isla ng Maui, Hawaii.

1,700 property ang tinatayang nasira na nagkakahalaga ng bilyong dolyar. (RP)

See Related Story Here:

Mga Pinoy ligtas sa wildfire sa Hawaii – DFA

TELETABLOID

Follow Abante News on