WebClick Tracer

Kahalagahan ng estate planning, nilinaw ni Kim Henares

Ipinaliwanag ni dating Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares ang kahalagahan at benepisyo ng estate planning.

“Kaya commissioner pag pinag-uusapan natin ang estate planning, ano ba ang mga kailangan gawin dito, ano ang kailangang planuhin commissioner?” tanong ni Atty. Al Agra kay Henares sa ‘Batas et Al’ ng CNN Philippines.

“So ang imperative para mag-estate planning dahil sa buwis dahil gusto mo mag-minimize eh medyo nawala na yun. So ngayon kung mag-e-estate planning ka is more para siguraduhin na pag namatay kayo walang away yung pamilya at alam ng lahat kanino pupunta itong ari-arian na ito or magkano sa pera na naiwan, paano idi-distribute? Para maiwasan ho yung away.” sagot ni Henares.

Bukod sa pag-iwas sa away sa pamilya, ibinahagi pa ni Henares ang iba pang benepisyo ng estate planning.

“Usually pag estate planning, ang involvement diyan ay magkakaroon ka ng will. Kunwari nagpa-file kayo ng estate tax return, ang requirement ho dyan isang will or extrajudicial partition. So kung may will na kayo at siguro ang advice ko lang, pag may will kayo, mas maganda i-probate nyo habang buhay kayo. Kasi pag nag-probate kayo habang buhay kayo, mabilis yung probate.”

“A probate is a judicial proceeding na pupunta ka sa korte para sasabihin ng korte na ito ay talagang will mo.” dagdag pa nito.

Samantala, ibinahagi rin ni Henares ang hakbang upang makapagsimula ng estate planning.

“Actually, siguro unang una mag-imbentaryo tayo ng asset natin. Kung ano ‘yung meron tayo.”

“Tapos kung gagawa tayo ng will, may holographic, may notarial will.” dagdag pa nito.

(CS)

See Related Story Here:

Kim Henares binati, pinasalamatan ang Filipinas

TELETABLOID

Follow Abante News on