WebClick Tracer

Kabaong ni JM Canlas, ibinigay sa binatang pinaslang ng mga pulis

Dinonate ng pamilya ng pumanaw na dating child actor na si JM Canlas ang kabaong nito sa isang binatilyo na napatay ng ilang pulis Navotas.

Ayon sa kapatid ng dating aktor na si Jerom, ibinigay nila kay Jemboy Baltazar ang kabaong na ginamit ni JM.

Si Jemboy ay matatandaang binaril ng pulis dahil napagkamalang suspek sa murder.

“Jm donated his casket to Jerhode Jemboy Baltazar, also 17 yrs old—an EJK victim,” wika ni Jerom.

“Salamat po sa pagtulay mga kaibigan sa RESBAK, Paghilom, at AJkalinga Foundation Inc. Sigurado akong sumisigaw ng hustisya ang bunso namin sa langit,” saad pa niya.

Si Jemboy ay napag-alamang binaril ng pulisya habang nasa bangka sa ikinasang operasyon ng Navotas Police noong Agosto 2 para hanapin ang isang suspek sa murder. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on