WebClick Tracer

Gigi de Lana bumilib sa PWD artist

Natuwa ang singer na si Gigi de Lana sa drawing ng isang artist na may kapansanan.

Sa Facebook video ni Gigi, makikita ang naging reaksyon ng singer nang makita ang kanyang portrait na likha ni Mark Agcaoili.

Lalo pang bumilib si Gigi nang malaman niyang paa ang ginamit ni Mark para sa pagda-drawing.

“First time kong makakita ng very close na drawing talaga na close talaga sa picture, ang galing niya,” sey ni Gigi. “Tapos ang ginamit niya ay ‘yung paa niya.

“Wala talagang imposible kapag passion mo ‘yan. Lahat merong way para magawa mo talaga ‘yung mga gusto mong gawin sa buhay,” aniya pa.

Maraming netizen naman ang humanga kay Mark sa inspirasyon na ibinigay nito sa pagiging PWD artist. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on