WebClick Tracer

Ayn Bernos ‘di pasado pag-sorry sa mga fan ni Kathryn Bernardo

Hindi natuwa ang ilang fan ni Kathryn Bernardo sa naging apology letter ni Ayn Bernos patungkol sa artikulong lumabas sa isang website.

Sa letter na tinweet ni Ayn, na editor-in-chief ng Nylon Manila, humingi siya ng tawad sa kanilang article na ‘We’re here for Kathryn Bernardo’s Experimental Era’.

Pag-amin ni Ayn, na isa ring content creator, na-overlook umano niya ang ilang salita sa article.

“I understand, however, that I have overlooked the tone and word choice in some parts of the piece. I take full responsibility for this,” sambit ni Ayn.

Saad pa ni Ayn, nag-reflect at nanghingi raw siya ng advice kaya umabot ng ilang araw bago siya humingi ng tawad.

“It took me a few days to address this as I’ve taken time to reflect, seek advice, and learn from all the constructive feedback, both online and offline,” sey pa ni Ayn.

Hindi naman ito kinagat ng ilang fan ni Kathryn, punto nila ay kaagad naman daw in-edit ang article pero bakit umabot pa ng ilang araw bago nakapag-sorry si Bernos.

Giit pa ng mga fan, dapat ay humingi rin ng tawad ang writer ng article, na naka-private na ang Instagram account.

Heto ang ilan sa kanilang komento:

“Do better, ur only sorry cause you got called out.”

“See why fans think that this apology letter from Ms.
@aynbernos didn’t feel sincere? Because she didn’t address the main culprit here who’s the writer.”

“Bhie, do better. Read more. Widen your vocabulary. Ganern. Experimental lang ba yang pagiging EIC mo. Db hindi? Kasi career mo yun.”

“You say you’re sorry for this oversight but who’s gonna say sorry to Kathryn Bernardo, whose career choices were badly invalidated?” (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on