WebClick Tracer

Alex Eala sokpa sa final round

ABANTE sa final round ng W25 Roehampton Pro Series si Alex Eala matapos patalsikin si Arianne Hartono ng Netherlands, 7-6, 2-6, 6-1, sa singles match, Sabado ng gabi, sa The National Tennis Center sa Roehampton, Great Britain.

Natigil muna ng lampas isang oras ang bakbakan sa kalagitnaan ng second set dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Angat sa second frame si Hartono, 4-1, nang matigil ang paluan ng bola at nagtuloy sa 6-2 win sa second set nang ipagpatuloy ang laban.

Pero pagsapit ng third set, bumalik ang angas ng Globe Ambassador na si Eala para pabagsakin ang karibal at sumampa sa final round.

Makakaharap ni Alex Eala sa championship match si Arina Rodionava, 33-year old, Russian-Australian, na tinalo si Yuriko Miyazaki sa sariling semis pairing. (Abante Sports)

TELETABLOID

Follow Abante News on