WebClick Tracer

Aksaya daw sa pera: Mga netizen nabanas sa Malacañang fashion show

Pinuna ng mga netizen ang isinagawang ‘Isang Pilipinas’ fashion show na ginanap sa loob mismo ng Malacañang nitong Martes.

Dinaluhan ang fashion show ng ilang sikat na personalidad, kung saan rumampa ang ilang mga government official at mga asawa ng politiko.

Kasama na diyan ang misis ni Senador Chiz Escudero na si Heart Evangelista, pati na rin si Kat Yu Pimentel na asawa naman ni Senador Coco Pimentel.

Ang naturang event ay pinangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos, kung saan tampok ang mga gawa ni fashion designer Michael Leyva.

Ayon kay Kat, ang fashion show raw ay ‘walk for a cause’ para sa foundation na napili ng misis ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ngunit giit ng mga netizen, tila hindi maganda na sa dami ng hinaharap na problema ng bansa ay nagsagawa pa ng enggrandeng event sa loob ng Malacañang.

Heto ang ilan sa komento ng mga netizen:

“This is so Imelda era. Party here, party there, party everywhere. Lord, pls help the Philippines.”

“Ang mahal ng bilihin nagawa niyo pa yan.”

“May budget para sa fashion show pero dun sa mga lugar na binabaha namomroblema pa din dahil di pa nareresolba mga drainage system.”

“Sayang ‘yung tax, parang tinatapon ko lang.”

“Makakatulong ba yan sa pagunlad ng bansa? Bababa ba yung presyo ng bilihin dahil nagdaos sila ng ganyan?” (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on