WebClick Tracer

Zubiri sa PH-China joint military exercise: Parang suicide

Para kang nagpatiwakal o nag-suicide kung magkakaroon ng joint military exercise ang Pilipinas sa China, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.

“Imagine nag-offer po sila na mag-joint patrol at training kasama ng ating military. Pambihira naman kung ginawa natin iyan. Parang nag-suicide po tayo,” sabi ni Zubiri.

“Kapag ginawa po natin iyon, malalaman na nila ang sikreto natin na kapag gusto na nilang i-takeover ang ating bansa, wala pang isang linggo tapos na ang boksing,” dagdag pa niya.

Noong Hulyo, ibinunyag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr. na nag-alok ang China ng magsagawa ng joint military exercises sa Philippines.

Sabi niya Brawner, pag-aaralan niya ang alok sa kanya ng Chinese Amabassador Huang Xilian. Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi pa pumapasok ang ahensiya sa anumang diskusyon tungkol sa joint patrol sa China.

(Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on