WebClick Tracer

Wally Bayola nag-sorry sa pagmumura sa national TV

Humingi ng paumanhin si Wally Bayola at tinanggap ang pagkakamali sa nag-viral na video, kung saan maririnig ang malutong niyang pagmumura sa national TV.

Narinig ang pagmumura ni Wally ng p*tang i*a sa isang episode ng Sugod Bahay Mga Kapatid ng “E.A.T.”

Nitong Biyernes, August 11 ay nag-sorry ang TV host sa kanyang nagawa.

“Ako po ay may nabitawang salita na hindi ko po dapat sinasabi. Nagkamali po ako dun at ako po ay humihingi ng inyong paumanhin at pag-unawa ninyong lahat. Pasensya na po. Pasensya na po sa lahat,” saad niya.

Humingi rin ng dispensa si Jose Manalo at nangakong hindi na mauulit ang nangyari.

Sabi naman ni Vic Sotto, “Salamat din kay Wally na humingi ng paumanhin, pagtanggap ng pagkakamali. Ang mahalaga kapag alam nating nagkamali ay dapat eh itinatama natin agad.”

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on