WebClick Tracer

Pinoy seafarers kulong sa Nigeria dahil sa droga

DFA

Ilang Filipino seafarers ang nakakulong ngayon sa Nigeria matapos maakusahan ng drug trafficking.

Ito ang ibinunyag sa Laging Handa public briefing ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega.

Ayon sa opisyal, ikalawang set aniya ito ng Pinoy seamen na naakusahan ng pagdadala ng illegal na droga kaya nakamonitor sila sa kaso ng mga ito.

Tiniyak naman ni De Vega na tutulungan ang mga nakakulong na Pinoy seaman sa kanilang kaso.

“May pangalawang kaso ngayon sa Nigeria, another set of seafarers, actually naakusahan sa Nigeria ng drug trafficking,” ani De Vega.

Pinayuhan ng DFA official ang mga Pilipinong nangingibang- bansa na huwag magdala ng drugs dahil peligroso ito at maaaring ikasira ng kanilang trabaho.

Mahigpit aniya ang batas ng ibang mga bansa pagdating sa illegal na droga huwag na huwag magdala ng kontrabando upang hindi masira ang kinabukasan.

“So, again iyon ang payo namin, dumaan sa proseso at kapag nag-abroad siguraduhing wala kayong dalang drugs, kahit na pinasok ng ibang tao.

kasi pagdating sa Africa, maaaring hulihin kayo,” dagdag ni De Vega.

Labing-isang Pinoy seamen ang unang nakulong sa Nigeria noong November 2021 matapos maakusahan ng pagdadala ng mahigit 13 kilo ng coccaine at nito lamang nakalipas na buwan ay pinayagang makalaya matapos maabsuwelto ang mga ito sa kaso.

(Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on