WebClick Tracer

Pagtugon sa mataas na presyo ng bilihin binigyang-diin ni Romualdez

Binigyang-diin ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pangangailangan na matugunan ng gobyerno ang mataas na presyo ng bilihin na isa sa pumipigil sa pag-unlad ng bansa.

Ginawa ni Romualdez ang pahayag kasabay ng pagpuri nito sa economic managers ng administrasyong Marcos matapos na makapagtala ang bansa ng 4.3% gross domestic product growth sa ikalawang quarter ng 2023.

Ang pag-angat umano ng GDP ay nagpapakita hindi lamang ng mga naabot ng gobyerno kundi maging ang mga bagay na dapat nitong aksyunan.

“One pressing concern that’s evident is the rising food inflation, which has been a significant driver of the economic slowdown. Addressing this is paramount to ensure that every Filipino has access to affordable, nutritious food while also stimulating our agricultural sectors,” sabi ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez mahalaga na mabuhusan ng pondo ang sektor ng administrasyon kasabay ng pagtuturo ng mga makabagong paraan upang mas marami ang maging produksyon ng pagkain at mapaganda ang pag-iimbak sa mga ito upang hindi mabulok.

Bukod sa pagbabantay at pag-regulate ng mga presyo, sinabi ni Romualdez na dapat matiyak na makararating sa mga konsumer ng maayos at sa murang halaga ang mga produkto.

“Reviewing and, if necessary, adjusting our import policies can help stabilize food prices. Strategic imports, when local supply is low, can prevent excessive price hikes,” dagdag pa ni Romualdez.

Itutulak din umano ng Kamara ang mabilis na pag-apruba sa budget para agad na maipatupad ang mga kinakailangang programa.

“In unity with the Economic Team’s strategies, we’re poised to navigate challenges and sustain our growth trajectory,” giit ni Romualdez. “Together, with a shared vision and commitment, we are set on a path to propel the Philippines towards a prosperous, inclusive, and resilient future, where food security and economic stability are foundational pillars.”

Gagawa umano ang Kamara ng mga panukalang batas upang mas mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Romualdez: Kamara titiyaking bawat piso ng P5.768T budget tama ang pagkakagastusan

TELETABLOID

Follow Abante News on